Thursday, May 2, 2024

Ilang byahe ng mga bus pansamantalang kinansela ng LTFRB

- Advertisement -

Pansamantala munang kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mga pampasaherong bus sa ibang panig ng bansa dahil sa panganib na dala ng bagyong Tisoy.

Batay sa abiso ng LTFRB, kanselado ang biyahe patungong Southern Luzon, Bicol Region, Samar at Biliran bilang paghahanda sa inaasahang hagupit ng bagyong Tisoy.

Kaugnay nito, sinabi rin ng LTFRB na dapat na alalayan o i-assist ng mga pamunuan ng bus ang mga pasaherong na-stranded dahil sa mga kanseladong biyahe.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img