Proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build” posibleng baguhin —Angara

0
17

Ito ang isiniwalat ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara matapos tawaging “failure” ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nasabing programa.

Ayon kay Angara, itinaas kasi sa 100 proyekto ang naunang 75 projects kung saan base sa mga economic managers ng pamahalaan, 12 proyekto ang inaasahang makumpleto sa susunod na taon, habang 17 pa sa 2021, at 43 sa 2022.

Nakatuon ang ‘Build, Build, Build’ sa malalaking proyekto ng kalsada, transportasyon, paliparan, at flood control and management system.

Kabilang din dito ang Panay-Guimaras bridge na mag-uugnay sana sa tatlong isla sa Visayas.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Angara na ang posibleng pagpapalit sa mga naturang proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ ay upang matapos ang mga ito sa takdang panahon.

It will be a positive effect, kasi kaysa umasa ka sa proyektong na maaaring hindi na matuloy, pinalitan mo ng proyektong alam mong matutuloy,” —ani Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara.