Malacañang may buwelta kay Drilon

0
13

Bumuwelta ang Malacañang kay Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos nitong tawaging failure ang ‘Build, Build, Build’ project ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mas marami pang nagawa ang Duterte administration kumpara sa mga naumpishan ng nakalipas na administrasyon.

Buwelta ni Panelo, sa loob ng 6 na taon ay walang ni-isang infrastratucre project ang nakalipas na administrasyon.

Dagdag pa nito, ang mahalaga ay mayroong mga proyekto ang pamahalaan, at pinipilit itong makumpleto sa tamang panahon.

Sen. Frank, look at the administration you previously belonged, 6 years and not a single infrastructure na nagawa.. malayong malayo sa dami,” —ani Presidential spokesman Salvador Panelo.