Drilon: ‘Build Build Build’ project isang kabiguan

0
20

Tinawag na kabiguan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ‘Build, Build, Build’ project ng pamahalaan.

Sa paghimay ng Senado kahapon sa 2020 proposed national budget, sinabi ni Drilon na bigo ang ipinag-mamalaking flagship infrastracture program ng administrasyong Duterte.

Sa deliberasyon ng Senado, nabisto na 9 pa lamang mula sa 75 programa sa ilalim ng proyekto ang nasisimulan.

Paliwanag ni Drilon, mahigit dalawang taon na lamang ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit malayo pa sa katotohanan ang aktuwal na konstruksyon ng mga proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate Committe on Finance, na 12 pang proyekto ang matatapos sa susunod na taon.

Habang labing 7 naman sa 2021, at 43 pa pagsapit ng 2022.