Provisional new major telco player sa bansa napili na

0
67

Idineklara na ang Mislatel Consortium bilang provisional na bagong major player sa telecommunications industry sa Pilipinas.

Ito ay matapos na dumaan ang mga isinumiteng dokumento ng Mislatel Consurtium sa masusing pagsusuri ng selection committee ng National Telecommunications Commission (NTC) kung saan nakakuha ito ng 456.80 final bid ratings.

Ang Mislatel Consurtium ay binubuo ng Mindanao Islamic Telecom, Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings at China Telecommunications Corporation.

Gayunman nilinaw ng NTC bukas pa rin sila sa ihahaing motion for reconsideration ng dalawang na-disqualify na bidders habang dadaan pa sa verification ng kanilang technical working group ang mga isinumiteng dokumento ng Mislatel.

Samantala, tiniyak naman ng dalawang nabigong participants sa bidding ng ikatlong telecommunications player ang kanilang paghahain ng motion for reconsideration.

Nabatid na kulang ng participation documents ang sear consortium na binubo ng TierOne Telecom at LCS Group of Companies ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson habang hindi rin nakapagsumite ng certifiation of technical capabality ang Philippine Telegraph and Telephone  (PT&T) corporation kaya nadisqualify ang mga ito.