Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na sampalin sa harapan niya ang mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan.
Sa kanyang naging talumpati sa launching ng Chinese automobile company sa Pasig, sinabi ni Pangulong Duterte na bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng pagkakataon sakaling may nais na ireklamong tiwaling opisyal ang mga negosyante.
Dagdag pa ng pangulo, tatawagan niya pa mismo ang inirereklamong opisyal para makapagusap silang tatlo sa kanyang tanggapan.
Kasabay nito, muling tiniyak ni Pangulong Duterte na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para masigurong mabilis at mapaganda pa ang proseso ng pagkuha ng mga permit para sa pagnenegosyo sa bansa.
“If you have something against anybody from government go to me, I will contact you and I will call the person you are complaining against and the three of us will talk. And I assure you that if it is indeed something which amounts to corruption or graft, I’ll give you the privilege of slapping that person a dozen times in front of me.” Pahayag ni Duterte.