Makati RTC pinasasagot ang DOJ sa iginigiit ni Trillanes

0
54

Pinasasagot ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang Department of Justice (DOJ) sa iginigiit ni Senador Antonio Trillanes IV na ideklarang labag sa konstitusyon ang Proclamation No. 572.

Ang partial motion for reconsideration ay una nang inihain ni Trillanes nuong Lunes.

Magugunitang naghain ang DOJ ng sariling partial motion for reconsideration para bawiin ang pagbasura ng korte sa hirit nilang ipa aresto at ilagay sa hold departure list si Trillanes kasunod nang pagpapawalang bisa sa amnestya nito.