33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Provincial Director ng Albay PNP sinibak kasunod ng Batocabe slay case

- Advertisement -

Sinibak na ang Hepe ng Albay Provincial Police Office na si Senior Supt. Milo Pagtalunan.

Iyan ang kinumpirma sa DWIZ ni Police Regional Office 5 o Bicol PNP Director Chief Supt. Arnel Escobal kasunod na rin sa nangyaring pamamaslang kay AKO-Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe noong Sabado

Ayon kay Escobal, hahalili kay Pagtalunan ang Deputy nito na si Supt. Dennis Rellata.

Samantala, sinabi rin ni Escobal na may anim (6) na persons of interest na silang tinututukan na posibleng nasa likod ng nangyaring pagpatay kay Batocabe.

Nakuha na rin nila ang kopya ng CCTV ng Rosewood Inn malapit sa Barangay Bañag dahil doon pinaniniwalaang nakita ang mga salarin.

Sinabi rin ni Escobal na nakakuha na rin sila ng salaysay mula sa anim na nasugatan sa insidente para makakalap pa ng iba pang impormasyon.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -