35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pamilya Batocabe handang protektahan ang sinuman may alam sa pagkamatay ng mambabatas

- Advertisement -

Hinimok ng pamilya batocabe ang sinuman na may nalalaman sa pagkamatay ng kaanak na si Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay Justin Batocabe, anak ng kongresista, dahil pasko, handa ang kanilang pamilya na magpatawad kung sinuman ang least guilty subalit may alam sa buong detalye sa pagpatay sa kaniyang ama at ipasok sa wpp o witness protection program.

Ibibigay din aniya ang cash reward maituro lamang ang mastermind sa pagpaslang sa kaniyang ama at naniniwala silang mananaig ang hustisya.

Umaasa naman si Kiel Batocabe, isa pang anak ng kongresista na tiwala siyang ang ama na lamang niya ang huling biktima at mareresolba rin ang kaso nito sa lalong madaling panahon.

Ipinabatid pa ni Kiel na masyadong nalungkot ang kaniyang ina sa pagpaslang sa kongresista dahil itinaon sa anibersaryo ang krimen.

Kasabay nito, sinabi ng mga batang Batocabe na hihintayin din nila ang pinal na imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa kaso nang pagpaslang sa kanilang ama.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -