Sunday, May 5, 2024

Proseso ng pagtatalaga ng mga sundalo sa Customs nagsimula na

- Advertisement -

Nagsimula na ang proseso para sa pagtatalaga ng mga sundalo at miyembro ng Philippine Coast Guard sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, mahigit anim na raan at limampung (650) posisyon sa BOC ang aasistihan ng mga sundalo at Coast Guard.

Binigyang diin ni Lambino na walang take over na magaganap sa Bureau of Customs na tulad ng pinangangambahan ng marami.

Sa ngayon anya ay nasa proseso sila ng pag-aaral sa gagamiting mekanismo upang matiyak na naaayon sa civil service law ang paglalagay ng mga sundalo sa BOC.

Ipinaliwanag ni Lambino na tanging ang mga trabaho at responsibilidad na malapit sa dati nang ginagawa ng mga sundalo ang ibibigay sa kanila tulad ng pangangalap ng impormasyon, inspection at pag-imbestiga ng mga bagahe at cargo.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img