NDFP consultant Vic Ladlad inaresto ng mga awtoridad

0
46
(To Be Updated)

Inaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Vic Ladlad kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Ayon sa report, ang pagdakip kay Ladlad ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bahay ng isang kaibigan nito sa Brgy. Tomasa, San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

Armado ng search warrant at warrant of arrest ang mga pulis at sundalo na umaresto kay Ladlad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NCRPO sa Camp Karingal si Ladlad at inaantabayanan ang isang press briefing para sa paglalahad ng mga detalye sa isinagawang pag-aresto sa NDFP consultant.

—-