Mainit na panahon asahan sa buong bansa dahil sa easterlies

0
48

Asahan ang maalinsangan at mainit na panahon sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa patuloy na pag-iral ng easterlies na nakakaapekto sa kabuuan ng bansa.

May posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorm.

Samantala, posible namang makaranas ng bahagyang malamig na panahon ang North at Central Luzon dahil sa dry air.

—-