Saturday, May 4, 2024

Proseso ng pagbubuwis, mapapadali na — BIR

- Advertisement -

Inilunsad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang programang “hack-a-tax”.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Atty. Lanee David, layon ng naturang programa ang pagpapadali ng proseso ng pagbubuwis sa pamamagitan narin ng internet.

Aniya, tiwala ang BIR na sa tulong ng teknolohiya ay maiibsan na ang anomang uri ng korapsyon tulad na lamang ng fixer.

Gayunman, inamin rin ni David na may kakulangan ang kanilang ahensya sa empleyado at resources kung kaya’t nauunawaan aniya ang hirap ng mga taxpayer mula sa registration, filing at pagbabayad.

Samantala, inaprubahan naman ng ilang kumpanya ang inisyatibo ng BIR sa pag gawa ng programang ikakabuti ng kanilang sistema.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img