30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

‘Drug czar’ position hindi ‘nonexistent’ — Panelo

- Advertisement -

Itinanggi ng tagapagsalita ng Malacañang na ‘nonexistent’ ang posisyong drug czar na iniaalok ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kabilang lamang ito sa napakaraming mga palusot at demands ng kampo ni Robredo.

Matatandaan na sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na wala namang magiging tunay na kapangyarihan ang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), base na rin sa executive order na bumuo sa naturang grupo.

Sinabi ni Panelo na hindi na kailangan pang amyendahan ang ICAD dahil mayroong kontrol ang pangulo sa lahat ng tanggapan at ng mga opisyal ng ehekutibo.

Ipinaliwanag ni Panelo na ang nais lamang ng pangulo na maging bukas sa mga suhestyon mula sa isang kritiko ng drug war kaya nya itinalaga si Robredo sa ICAD.

Naniniwala aniya ang pangulo na tanging si Robredo rin ang makapagpapatupad ng maayos sa lahat ng kanyang magiging suhestyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -