Prosecutors at judges na sangkot sa droga mas mabuting kasuhan na lamang — IBP

0
57

Mas mabuting kasuhan na lamang ang mga prosecutors at judges na umano’y sangkot sa operasyon ng illegal drugs.

Ayon ito kay IBP Executive Vice President Domingo Cayosa kaysa isapubliko ang pangalan ng mga ito na maaaring magpahiya sa kanila.

Sinabi ni Cayosa na hindi makakatulong ang pagsasapubliko sa pangalan ng mga nasabing prosecutors at judges kaya’t mabuting kasuhan, litisin at panagutin na lamang sa batas kung talagang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.