Pinangangambahang pagkamkam ng China sa gas reserves sa Reed Bank imposibleng mangyari — DOF

0
42

Imposibleng mangyari ang pinangangambahang pagkamkam ng China sa gas reserves sa Reed Bank sa sandaling hindi makabayad ang pilipinas sa P3.6 billion peso loan para sa Chico River irrigation project.

Ayon ito kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, na nagsabi pa na “highly unlikely” o malabong mangyari ang nasabing scenario dahil magbabayad naman ng utang ang Pilipinas.

Malinaw naman aniya sa konstitusyon ang paglalaan ng pambayad utang sa national budget at pagdating sa arbitration batas ng Pilipinas ang mangingibabw kapag sumablay sa pagbabayad ng utang.

Una nang inihayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na may batas nuong 1972 na nag convert sa oil and gas reserve sa Reed Bank bilang patrimonial assets na maaaring ibenta, ipaupa o pakinabangan for commercial purposes kayat maaaring kunin ng China kapag hindi nakabayad ng utang ang Pilipinas.