LP inalmahan ang akusasyon ni Pangulong Duterte

0
54

Umalma ang Liberal Party (LP) sa akusasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbubunyag ni dating Police Col. Eduardo Acierto na dawit sa operasyon ng iligal na droga ang ilang malapit dito.

Una nang itinuro ng pangulo ang ilang miyembro ng oposisyon na anito’y paggamit kay acierto para guluhin ang gobyerno at sirain ang tiwala ng publiko sa administrasyon.

Sinabi ni LP president Senador Francis Pangilinan na gawa gawa lamang ang mga alegasyon ng pangulo.

Samantala, naniniwala naman si Senador Panfilo Lacson na dapat imbestigahan ang mga alegasyon ni Acierto.

Malalaman aniya sa imbestigasyton kung may basehan ang pag uugnay ni Acierto kay dating Presidential Economic Adviser Michael Yang at isang allan lim sa operasyon ng iligal na droga.

Ipinabatid ni Lacson na nagtungo sa kaniyang tanggapan si Acierto at ipinakita ang report, ilang larawan at mga detalye sa usapin subalit hindi niya tinanggap ang mga ito.