Saturday, May 4, 2024

Proposed P4.1-T 2020 national budget sinertipikahan bilang ‘urgent’ ni Duterte

- Advertisement -

Sinertipikahan na bilang ‘urgent bill’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P4.1-T na pambansang pondo para sa susunod na taon.

Batay sa liham na ipinadala ng pangulo sa Kongreso, nanawagan ito na agad na ipasa ang proposed 2020 national budget.

Aniya, ito ay upang hindi maantala ang operasyon ng pamahalaan, at ang paglalaan ng pondo para sa iba’t-ibang mga programa.

Nakasaad din sa sulat ng pangulo na dapat matiyak na may sapat na pondo para sa epektibong pagganap ng pamahaalan sa mandato nito.

Binigyang diin din pangulo sa kanyang budget message na dapat tiyakin ng mga mambabatas na ang mga programa sa ilalim ng 2020 proposed National budget ay mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Magugunitang, na-delay ang pagpasa sa 2019 national budget dahil sa isyu ng mga budget allocations at pork insertions.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img