Wednesday, May 1, 2024

Promosyon para sa walong opisyal ng PNP pirmado na ng Pangulo

- Advertisement -

Nilinaw ng Pambansang Pulisya kung bakit mas mataas ang bilang ng mga naitatalang Casualty ng itinayo nilang NOC o National Operations Center bunsod ng naging pananalasa ng Bagyong Ompong kamakailan.

Iyan ang inihayag ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde sa harap na rin ng tanong ng ilan kung bakit mas mababa ang bilang na inilalabas ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council kumpara sa PNP.

Sa isang panayam kay Albayalde dito sa Kampo Crame, sinabi nito na nakabatay ang kanilang datos mula sa mga ulat na ipinadadala ng kanilang mga tauhan mula sa ground bilang mga first responders.

Sumasailalim din aniya ang mga ito sa masusing validation ang mga naitatala nilang casualties dahil marami silang mga tauhan na ipinadala sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo.

Katulad aniya ng SOCO o Scene of the Crime Operatives na siyang tutukoy at kikilala sa mga makukuhang bangkay sa mga landslide areas na ini-uulat naman sa Local Government Units at Department of Health para isumite sa DILG para maisama sa opisyal na listahan ng NDRRMC.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img