Baguio City – Ninanais ng lokal na gobierno na matamo nito ang tinatawag nitong Zero open defecation target sa 128 barangay sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa city government, ang target ay maari lamang mangyari sa tulong ng Department of Health. Layon ng nasabing proyekto na maayos ang sanitation sa lahat ng komunidad sa lungsod.
Sinabi ni City Health Services officer Rowena Galpo na ang 100 per cent city wide zero Open defecation status ay maari itong matamo sa pagbeberika at pagdeklara ng DOH.
Ganon pa man, may 111 barangays na lungsod ang nakatamo ng Zero Open defecation status o ang grade one status at ninanais nitong itaas pa ang antas sa grade 2 o basic sanitation status kabilang dito ang households, escuelahan at child development centers at ng mga pampublikong lugar kung saan ay may sariling palingkuran. Samantala, nanawagan si Galpo sa mga naninirahan sa Baguio lalo na sa mga illegal settlers na makipagtulungan sa lokal na Gobierno upang matamo ang nasabing target. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio City)
