- Advertisement -
Pinasususpindi ni Health Sec. Francisco Duque III ang probisyon sa Universal Health Care Law (UHC) na nagpapataw ng mataas na kontribusyon para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay Duque, dapat na suspindihin na muna ang section 10 point 2c ng implementing rules and regulations (IRR) ng UHC law dahil sa magiging epekto nito sa mga OFW’s.
Dahil dito, sinabi ni Duque na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa PhilHealth upang magrekumenda ng alternatibong hakbang na hindi magpapahirap sa mga OFW’s.
- Advertisement -