30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga OFW hindi na obligado magbayad ng premium contribution sa PhilHealth

- Advertisement -

Hindi na oobligahin ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magbayad ng premium contribution sa PhilHealth.

Ito ay matapos na atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na gawing boluntaryo lamang ang premium contribution para sa mga OFW’s.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na rin kailangan ng mga OFW’s na bayaran ang kanilang PhilHealth premium contribution para makakuha ng overseas employment certificate.

Matatandaang sa ilalim ng dirketibang inilabas ng PhilHealth nakasaad na ang mga OFW’s na may buwanang kita na P10,000 hanggang P60,000 kada buwan ay kinakailangang maghulog ng 3% ng kanilang buwanang sahod para sa kanilang premium contribution.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -