Monday, May 6, 2024

COVID-19 hindi naipapasa sa pamamagitan ng blood transfusion — DOH

- Advertisement -

Hindi naipapasa sa dugo o blood transfusion ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire matapos na muling mag positibo ni Sen. Sonny Angara sa COVID-19.

Matatandaang nag-donate kasi ng plasma si Angara para sa convalescent plasma therapy na isinasagawa ng Department of Health (DOH) para sa mga COVID-19 patients.

Sinabi ni Vergeire na dapat tandaan na ang transmission ng COVID-19 ay sa pamamagitan ng respiratory system kung saan naipapasa ang virus sa pamamagitan ng droplets ng laway at mucus.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na patuloy pa ring pinag-aaralan ang nangyayaring re-infection ng ilang COVID-19 patients na nakarekober na sa naturang sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img