Thursday, May 9, 2024

Private sectors hinihikayat na maagang ibigay ang 13th month pay sa mga empleyado

- Advertisement -

Tanging ang mga pribadong sektor lamang ang hinihikayat na maagang magpalabas ng maagang 13th month pay o kabuuan ng isang buwan sweldo para sa kanilang mga empleyado.

Ito ang binigyang diin ni Budget Sec. Wendel Avisado, kung saan sinabi nito na wala pang plano para sa maagang pagpapalabas ng 13th month pay sa mga empleyado ng gobyerno.

Aniya, ang panawagan ng maagang pagpapalabas ng 13th month pay ay para lamang sa mga pribadong mangagagawa dahil ang mga kawani naman ng gobyerno ay nakatatanggap ng sapat na sahod at kumpletong benepisyo.

Matatandaang, umapela mismo si Pang. Rodrigo Duterte sa mga private sectors na maagang ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado dahil sa pagsasailalim sa Luzon sa enhanced community quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img