29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mahigit P4-M halaga ng shabu nasabat ng mga otoridad sa Taguig City

- Advertisement -

Aabot sa higit P4-M halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa barangay Upper Bicutan sa Taguig City, kaninang umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO), arestado ang isang suspect na kinilala bilang si Gilberto Lagunzad, 29 anyos na na-aresto sa Oplan Bandillo.

Ayon sa mga otoridad, narekober mula sa suspect ang 12 piraso ng plastic sachets ng shabu na tinatayang nasa 600 gramo ang bigat.

Sa ngayon, nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -