Global death sa COVID-19, nasa halos 8,000 na

0
40

Sumampa na sa halos 8,000 ang bilang ng mga nasawi sa  buong mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) nasa 7,900 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19

Ngayong araw lamang naitala ang panibagong 800 kaso ng pagkasawi.

Sa ngayon nasa halos 200,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.