Private plane na bumagsak sa Laguna patuloy ang imbestigasyon

0
45

Patuloy pa ring ini-imbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng isang private plane sa Calamba City, Laguna na ikinasawi ng 9 katao.

Ito ang tiniyak ni Jeffrey Rodriguez, pinuno ng Public Order and Safety Office ng Calamba Laguna.

Ayon kay Rodriguez, sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naging dahilan ng pag-bagsak ng eroplano.

Kwento ni Rodriguez, sa ere pa lang ay natanaw na natanggal ang pakpak ng naturang eroplano bago ito bumagsak sa isang resort sa Laguna.

Actually, nung nasa ere palang nakita natin yung eroplano dumaan po siya dito sa aming kabahayan, napansin siya nung security detailed po kaya naman po kaagad mabilis tayo nakapunta pero napansin natin sa ere palang natanggal po yung pakpak nung eroplano. Sa ere palang unti-unti natatanggal yung mga parte ng eroplano at umuusok. So, kaya po siguro sa assume ko po nung nagkadiperensya po yung eroplano pilit niya po sigurong inilalagay dito sa parte ng Laguna lake pero out of control po kaya po siguro dito sa mismong resort area napunta,” ani Rodriguez.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Rodriguez na binakuran na rin nila ang crash site upang ma-preserba ang mga ebidensiya na makatutulong sa pag-iimbestiga ng mga otoridad.

Gayunman, tiniyak naman ni Rodriguez na patuloy na patuloy na nakikipag ugnayan sa kanila ang kumpanyang Lion Air kung saan tiniyak nito na handang tumugon ang kanilang kumpanya sa napinsalang ari-arian sa crash site.

Sinicure po naman 24 hours yung area para masiguro po hindi mapasok ng kahit sinoman at ma-preserved po natin yung evidence na kung saan lumaglag yung eroplano at yung ibang mga bahagi ng eroplano na natagpuan sa vicinity ng Pansol pinadala po namin dun sa area,” ani Rodriguez.

Ratsada Balita interview