2 pulis na sumabak sa search and rescue sa Iloilo-Guimaras tradegy pinarangalan ng PNP

0
49

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng 2 pulis na tumulong sa search and rescue operations sa lumubog na bangka sa Iloilo – Guimaras strait noong Agosto 3.

Mismong si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ang naggawad ng medalya ng kadakilaan kina P/CMSgt. Jonathan Magan mula sa San Lorenzo Municipal Police Station ng Guimaras at P/SSgt. Rodito Erpelua ng Headquarters Support Unit ng Police Regional Office 6.

Kapwa lulan ng lumubog na M/B Chichi sina Magan at Erpelua na silang unang sumagip sa mga kapwa nila pasahero bago pa man dumating ang ayuda mula sa kalupaan.

Magugunitang 35 mula sa kabuuang 47 pasahero at 4 na tripolante ang masuwerteng nakaligtas dahil sa maagap na pagresponde ng dalawang pulis.