3 sa anim na tauhan ni Sanchez patay na

0
50

Patay na ang 3 sa anim na tauhan ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na nahatulan din sa Sarmenta-Gomez case.

Ito ang inihayag sa pagdinig kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon kung saan kinilala niya ang mga ito na sina George Medialdea, Rogelio Corcolon at Zolio Ama.

Ani Faeldon nakamatayan na ng 3 ang kanilang sentensya.

Gayunman tiniyak ni Faeldon kay Sen. Richard Gordon, Chairman ng Senate Justice at Human Rights Committees na aalamin niya ang pagpapalaya sa iba pang convict dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Si Sanchez at 6 niyang tauhan ay nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa panghahalay at pagpatay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.