Prince Charles nagpositibo sa COVID-19

Prince Charles nagpositibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
25 views

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Prince Charles na anak ni Queen Elizabeth II, at tinuturing na first-in-line sa British throne.

Sa pahayag ng clearance house, nagpakita na raw ng mild symptoms ng COVID-19 ang Prinsipe.

Sa kabila nito, patuloy naman daw ang pagganap ng Prinsipe sa kanyang tungkulin sa bahay o work from home nitong nakaraang mga araw.

Kasunod nito, nakasailalim na ang prinsipe at asawa nitong si Camilla, Duchess of Cornwall sa self-isolation sa Birkhall sa Scotland para magpagaling matapos na magpositibo sa COVID-19.

Samantala, siniguro naman ng palasyo na nananatiling nasa magandang kundisyon si Queen Elizabeth II.

Sa panulat ni Ace Cruz.

0 comment

Related Posts