Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Maria Sharapova magreretiro na sa tennis

Inanunsiyo na ni five-time grand slam winner Maria Sharapova ang pagreretiro nito sa sports na tennis.

Ayon sa 32 taong gulang na Rusong atleta, kanya raw mami-miss ang tennis na siyang nagbigay kulay sa kanyang buhay.

Dagdag pa nito, ilan daw sa hindi niya malilimutan ang mga nakakasalamuha nito sa laban. Manalo man o matalo ang mahalaga raw ay ang mga taong nagbibigay lakas loob sa kanya para ibigay ang buong makakaya sa pakikipaglaban sa tennis.

Nakilala si Sharapova noong 17-taong-gulang pa lamang siya matapos makamit ang unang pagkapanalo kontra Serena Williams sa finals ng Wimbledon.

Sa panulat ni Ace Cruz.

Related posts

Lady Gaga nahulog sa stage sa kanyang concert sa Las Vegas

Powered by DWIZ

Karla, Melai, Jolina naglunsad ng bagong online show

Powered by DWIZ

Wala munang itatanghal na athlete of the year sa UAAP season 82

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More