31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

3 pang Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa —DFA

- Advertisement -

Tatlo pang Pilipino sa ibayong dagat ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang kahapon, Marso 25 nasa 172 Overseas Pinoys ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 25  bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 80 ang patuloy na ginagamot sa ibat ibang ospital.

Sinabi ng DFA na nasa 90 pa rin ang naka recover sa COVID-19 samantalang dalawa ang nasawi.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Overseas Pinoy sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 112 kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 22 kaso, America  na may 20 kaso habang ang Middle East naman ay mayroong 18 kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -