Saturday, May 4, 2024

Price quotation ng anti-pneumonia vaccine nakatakdang ibigay ng GSK sa DOH

- Advertisement -

Nakatakdang magpasa ng price quotation ang isang pharmaceutical company para sa kanilang pneumococcal conjugate vaccines (PCV).

Ayon sa pamunuan ng Glaxo Smith Kline (GSK), oras na buksan ng pamahalaan ang bidding para sa supply contract ng naturang bakuna ay agad nila itong isusumite.

Anila, hangarin nila na matulungan ang Department of Health (DOH) na mailigtas ang mas marami pang kabataan sa mga pnuemococcal diseases.

Dagdag pa nito, mayroon ilang mga pagbabatayan ang kumpanya bago ito makapagdesisyon hinggil sa presyo ng naturang bakuna.

Magugunitang ipinatigil muna ng DOH ang bidding para sa mga PCV stocks para sa susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img