Presyo ng seafoods posibleng tumaas sa papalapit na kapaskuhan

0
28

Posibleng tumaas ang presyo ng seafood tulad ng hipon at alimasag sa susunod na buwan habang papalapit ang Christmas season.

Ito ayon sa mga vendors ay dahil humihirap ang pagkuha o pag-ani ng seafoods bunsod na rin ng malakas na hangin at kakaibang kondisyon ng dagat.

Sa Zamboanga City nasa 400 hanggang 600 pesos ang presyo ng kada kilo ng curacha o alimango depende sa laki.

Samantala ang lobster o hipong dagat ay nagkakahalaga ng 1,800 pesos kada kilo ang mud crab ay nabbibili ng 500 pesos kada kilo at ang 1 kilo naman ng prawns ay nasa 500 hanggang 600 pesos bagamat naka depende rin ito sa laki.