Application para sa special permits ng P2P buses sa SEA Games binuksan

0
10

Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) ang application para sa special permits ng point to pont buses para makapag biyahe sa mga venue sa SEA Games.

Inanunsyo ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nagsabi ring bubuksan ang mga ispesyal na ruta para ma accommodate ang mga laro sa Subic, Clark at Metro Manila.

Para sa mga bus na mayruong aprubadong Northbound routes inihayag ni Tugade na kailangang makakuha ng special permit sa ruta patungong Philippine Arena para sa pagbubukas ng SEA Games sa November 30.