Pag-angkat ng vape products haharangin—BOC

0
24

Ipinag utos na ng Bureau of Customs sa mga enforcement team nitong nakatalaga sa mga daungan sa bansa na harangin ang pag a-angkat ng vape products.

Kasunod na rin ito ng kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa pagbe-vape o vaping.

Sinabi ni Customs Assistant Commissioner Jet Maronilla na mahigpit din silang nakikipag ugnayan sa Food and Drug Administration (FDA) para sa pagpapatupad ng vape ban.