28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Presyo ng mga nakakalasing na inum posibleng tumaas sa susunod na taon

- Advertisement -

Posibleng tumaas ang presyo ng mga nakalalasing na inumin sa susunod na taon.

Ito ay makaraang aprubahan ng House committee on ways and means ang substitute bill na naglalayong itaas sa P6.60 ang excise tax rate ng mga alcoholic drinks sa bansa na ipinatutupad sa ilalim ng Republic Act 10351.

Inaprubahan din ng komite ang P650 na unitary rate para sa mga sparkling wines.

Gayundin ang P2.10 na dagdag sa buwis sa mga still at carbonated wines at P4.10 sa mga may alcoholic content na mas mataas sa 14 percent.

Habang P2.60 naman na taas sa buwis para sa mga fermented liquors.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -