Thursday, May 2, 2024

Halos kalahati ng pamilyang Filipino bantad sa kahirapan

- Advertisement -

Halos kalahati o nasa 48.5 percent ng mga pamilyang Filipino ang bantad sa kahirapan sakaling maapektuhan ng mga sakuna.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may titulong Vulnerability to Poverty in the Philippines: An Examination of Trends from 2003 to 2015.

Batay sa pag-aaral kabilang sa mga banta na magdudulot sa paglubog sa kahirapan ng mas nakararaming pamilyang Filipino ang iba’t ibang socioeconomic at environmental shocks tulad ng inflation at mga kalamidad.

Dagdag pa sa pag-aaral, mananatili sa kahirapan ang mga nabanggit na pamilya kung patuloy na mabibigo ang pamahalaan na magpatupad ng mga kinakailangang tulong.

Kaugnay nito inirekomenda sa pag-aaral ang mas malawakang pagtaya ng pamahalaan sa antas ng kahirapan sa bansa upang makabuo ng mga nararapat at kinakailangang programa na makatutulong sa mahihirap na pamilya gayundin sa mga bantad sa kahirapan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img