Associate Justice Jardeleza nananatiling pinakamayamang mahistrado ng SC

0
63

Nananatiling pinakamayamang mahistrado sa Korte Suprema si Associate Justice Francis Jardeleza samantalang si Associate Justice Marvic Leonen pa rin ang pinakamahirap na mahistrado.

Kasunod ito ng summary ng 2017 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) kung saan pumapalo sa mahigit P261 million ang yaman ni Jardeleza  at ang nasabing figure ay P9 million na mas mataas sa kaniyang net worth nuong 2016.

Ang real property ni Jardeleza ay nasa halos P60 million samantalang ang personal property nito ay nasa P202.1 million at walang liability.

Samantala, nasa halos P3 million ang networth ni Leonen nuong isang taon at ito naman ay bahagyang mas mataas sa kaniyang net worth nuong 2016 na sa halos P2.5 million lamang.

Ikalawang naitalang pinakamayamang mahistrado sa High Tribunal si Associate Justice Mariano Del Castillo na may net worth na halos P142 million pesos, sumunod si Associate Justice Alfredo Benjamin Cagiwa – mahigit P123 million, acting Chief Justice Antonio Carpio – halos P106 million at Associate Justice Estela Perlas-Bernabe – mahigit P81 million.

Ika-anim namang pinakamayamang mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Diosdado Peralta na may net worth na halos P50 million at sinundan ni Associate Justice Lucas Bersamin na may net worth na mahigit P44 million.

Pumapalo naman sa halos P42 million ang networth ni ngayo’y Ombudsman Samuel Martires mahigit P27 million. Kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno halos P23 million kay retired Associate Justice Presbitero Velasco at halos P20 million kay retired Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Nasa ika-labing dalawang puwesto naman si Associate Justice Noel Tijam na nasa mahigit P19 million ang net worth at sinusundan ni Associate Justice Alexander Gesmundo – halos P9 million at Associate Justice Andres Reyes Jr. na may net worth na halos P6 million.