Patakaran sakaling lumindol sa halalan pina-plantsa na ng COMELEC

0
43

Pinaplantsa na ng COMELEC o Commission on Elections ang ipatutupad nitong mga patakaran sakaling tumama ang malakas na lindol sa mismong araw ng halalan.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagyanig sa bansa nitong Abril, kabilang na ang magnitude 6.1 na lindol sa Zambales noong Abril 22.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, handa na ang COMELEC sa mga ipatutupad nitong hakbang sa pagbabantay sa mga balota at VCM o Vote Counting Machines kung tumama man ang malakas na lindol sa Mayo 13.

Aniya, pinag-aaralan na rin nila ang pagpapatupad ng suspensyon ng halalan o ang pagdedeklara ng failure of elections sa oras na magkaroon ng malakas na pagyanig.

Kaugnay nito, nakikipag ugnayan na rin aniya ang COMELEC sa mga eksperto upang matiyak ang seguridad ng mga botante, sakaling magkaroon ng malakas na pagyanig.