Albayalde dapat kasuhan din ng Dangerous Drugs Act—Gordon

Albayalde dapat kasuhan din ng Dangerous Drugs Act—Gordon

by Powered by DWIZ
30 views

Dapat na maharap din si dating Phil. National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.

Ito ang binigyang diin ni Senator Richard Gordon, matapos na i-rekumenda ng Dept. of Justice (DOJ) na kasuhan ng graft si Albayalde kaugnay ng pagkakasangkot nito sa mga umano’y ninja cops at pagre-recycle ng mga nasasabat na iligal na droga.

Ayon kay Gordon, dapat ding imbestigahan si Albayalde hinggil sa isyu nang pagre-recycle ng iligal na droga lalo na’t si albayalde ang hepe ng Pampanga police noong naganap ang kontrobersiyal na drug buy bust operations, taong 2013.

Matatandaang, pinaka-kasuhan din ng DOJ ang 12 dating Pampanga pulis dahil pa rin sa ma-anomalyang drug operations noong 2013

0 comment

Related Posts