Wednesday, May 8, 2024

Preliminary report ng pagdinig sa water crisis posibleng ilabas na ng Senado

- Advertisement -

Posibleng maglabas na ng preliminary report ang Senate Committee on Public Services hinggil sa inimbistigahang supply ng tubig sa east zone ng Metro Manila na hawak ng Manila Water.

Ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng komite, narinig na nila ang mga pagliwanag at malinaw na kung may pagkukulang ang Manila Water ay mas malaki ang pagkukulang ng MWSS bilang regulator.

Samantala, tiniyak ng komite na ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon para sa supply naman ng tubig sa ibang lugar sa bansa.

Babantayan rin umano nila ang pangako ng Manila Water na babalik na sa normal ang supply ng tubig pagsapit ng Hunyo at ang pangako rin ng MWSS na papatawan ng parusa ang Manila Water.

(Ulat ni Cely Bueno)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img