Power interruption naranasan sa ilang bahagi ng bansa sa gitna ng halalan

0
44

Nakaranas ng power interruptions ang ilang bahagi ng bansa matapos ang midterm elections.

Sa gitna ng bilangan ng boto, nagdulot ng total black out sa mga bayan ng Daanbantayan, Medellin, Bogo at San Remegio sa Cebu ang pagkasunog ng isang transformer ng Cebu electric cooperative mag-a-alas 9:00 kagabi.

Pansamantala ring nawalan supply ng kuryente sa Bangkal Elementary School sa Makati City;  Bacolod City;  mga bayan ng Motibot, Sindangan sa Zamboanga Del Norte.

Nagkaroon din ng power outages sa Balingasa, Quezon City; Puerto Princesa, Palawan; Santa Rosa, Laguna at Sibuyan Island sa Romblon.