Estrada dynasty tinuldukan na sa mga lungsod ng Maynila at San Juan

0
49

Tuluyan nang nawala sa kamay ng mga Estrada at Ejercito ang lungsod ng Maynila at San Juan matapos magwagi ang kani-kanilang mga kalaban sa pagka-alkalde.

Batay sa resulta, nanguna ang aktor na si dating vice mayor Francisco “Isko Moreno” domagoso sa mayoralty race sa Maynila.

Kasunod niya ang kasalukuyang alkalde na si dating pangulong Joseph “Erap” Estrada habang pangatlo si dating Manila mayor Alfredo Lim.

Sa San Juan, tinuldukan ni Francis Zamora ang 50 taong pamamayagpag ng mga Estrada matapos magwagi sa mayoralty race sa botong 35,060 laban sa 24,813 votes ni incumbent vice mayor Janella Estrada, apo ni dating pangulong Estrada na naging dating mayor din ng San Juan.