Post-baby photoshoot ni Marian Rivera pinagkaguluhan

0
50

Usap usapan ngayon sa social media ang unang kita ng publiko sa aktres na si Marian Rivera, isang buwan matapos nitong ipanganak ang pangalawa nilang anak ni Dingdong Dantes.

Sa post-baby look ni Marian, makikita na slim agad ang aktres, kaya naman umani ito ng papuri mula sa mga netizens.

Ayon sa mga fans, “fresh, blooming at maganda” si Marian kahit na bagong panganak lang ito.

Inilabas ng Qurator Studio ang mga larawan ng aktres, kung saan makikita itong nakasuot ng dress na gawa ng designer na si Rosanna Ocampo.

—–