Naibalik na sa Katipunan ang tropeyo para sa men’s football at women’s volleyball, para sa UAAP Season 81.
Ito ay matapos masungkit ng Ateneo De Manila University (ADMU) ang panalo, matapos nitong talunin ang football team ng De La Salle University (DLSU).
Naging mainit rin naman ang sagupaan ng Ateneo Lady Eagles at University of Santo Tomas Golden Tigresses, kung saan nanaig ang Lady Eagles sa best of 3 finals.
Dahil dito, ipinagdiwang ng Ateneo ang kanilang panalo sa pamamagitan ng isang bonfire, kung saan dumalo sa selebrasyon ang two-time UAAP Basketball MVP na si Kiefer Ravena, at three time UAAP Volleyvall MVP na si Alyssa Valdez.
