Advincula nakalaya na

0
46

Nakalaya na si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy ngayong umaga matapos makapag-piyansa.

Na-discharge si Advincula kaninang 8:25 a.m. at siya ay naglagak ng P25,000 sa kaso nitong estafa.

Matapos ito makapag-piyansa dinala ito sa PNP-CIDG para sa processing at final check up kung saan siya ay nakatanggap na rin ng clearance mula sa kanyang doktor.

Matatandaang isinugod kahapon si alyas Bikoy sa ospital matapos tumaas ang blood pressure nito.

Samanatala, nitong nakaraang Huwebes siya ay sumuko sa otoridad kung saan binaliktad niya ang mga nauna niyang pahayag hinggil sa “Ang Totoong Narco-list” video.

Si Advincula ay nahaharap sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment.

——