Friday, May 17, 2024

Posibleng pera ang dahilan kaya napalaya ang mahigit 1,000 inmates na convicted sa heinous crimes

- Advertisement -

Posibleng pera ang naging labanan kaya’t napalaya ang mahigit 1,000 inmates na convicted sa heinous crime.

Ito ay ayon kay Senator Panfilo Lacson na isa ito sa tinitignan niyang dahilan kung bakit napalaya ang isang 1,914 na preso na nahaharap sa mga karumal-dumal na kaso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Paliwanag ni Lacson sa naturang bilang 48 ang sangkot sa iligal na droga, habang halos 800 naman ang nasangkot sa kasong murder.

Hindi malinaw kasi wala namang dokumento pero yun na nga yung sinasabi nung sources dun sa NBP na talagang pera- pera naman yan. Kaya ang titignan naman natin syempre magpo-profiling tayo dun sa 1,900, ang 800 mahigit dun sa ilalim lang ng pamumuno ni Faeldon out of the 1,914, sila 880+ yung pinalaya ni Faeldon palang yun. So, alamin natin dun sa 800+ na yun o yung kabuuan ng 1,900 karamihan ba dun may kakayanan para gumastos, halo-halo ba dun, meron ba doon na kasama na mahirap, wala namang kakayanan para maglagay. ‘Yun sabihin nating pwedeng okay randomly pumipila sila pero kung sa 1,914 eh 1,900 yung mga may kaya at yung 14 lamang yung wala merong kaduda-duda dun,” ani Lacson.

Kaugnay nito, sang-ayon rin naman si Lacson sa panawagan ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng revamp sa mga opisyal ng Bureau of Corrections.

Gayunman, hinakayat naman ni Lacson ang Senado na busisiin ng mabuti ang isasagawang pagdinig sa naturang isyu dahil maganda aniya ang intensiyon ng GCTA ngunit ina-abuso ito ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

At the very least, ‘yun ang indikasyon na talagang merong anomalya talaga kung ano pang mang sabihin nilang alibi or excuse o kadahilanan mas mahihimay natin ‘yan sa Lunes na pagdinig. Kung ‘di pa nga nabuko yung kay Mayor Sanchez eh malamang sa hindi na-release na nga yun at hindi malalaman na na-release na rin pala yung 8 Chinese drug lords kasi bukod dun sa 4 na nasa Bureau of Immigration. Sabi ko nga, 5 lahat yun meron pang isa na na-release naman galing sa Davao Penal Colony,” ani Lacson.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -