Thursday, May 2, 2024

60-days clearing operations ultimatum sapat na — DILG

- Advertisement -

Hindi na palalawigin pa ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang ibinigay nitong 60-days na ultimatum sa mga local government units upang magsagawa ng clearing operations sa mga kalsada sa kanilang nasasakupang lugar.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, sapat na ang ibinigay nilang panahon para makatugon ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na alisin ang lahat ng sagabal sa daan na nagdudulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko.

Matatandaang, ang direktibang ito ng DILG ay inilabas noong Hulyo 29 kung saan isasailalim din ng DILG sa isang assessment ang hakbang na ipinatupad ng mga LGU’s.

Dagdag pa ng kalihim, tiwala naman siya na makasusunod ang mga Alkalde sa Metro Manila sa kanilang mandato.

Aniya, sakaling mabigo ang mga itong tuparin ang kanilang mandato na linisin ang kanilang lungsod ay papatawan niya ito ng suspensiyon at posible ring maharap sa kasong kapabayaan.

Layon ng direktibang ito ng DILG na maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga road obstruction sa mga kalsada.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img