Release Order ni Sanchez dapat ma-verify kung si Faeldon talaga ang pumirma — Lacson

0
40

“Masalimuot.”

Ito na lamang ang nasambit ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson matapos mabunyag na mayroon nang release order ang convicted rapist at murderer na si dating Caluan Mayor Antonio Sanchez.

Ito ay matapos mabunyag na pirmado mismo ni BuCor Chief Nicanor Faeldon ang release order ni Sanchez, kung saan makikita sa naturang dokumento na Agosto 20 pa niya ito nalagdaan.

Una rito, todo tanggi si Faeldon na nag-isyu siya ng release order ni Sanchez.

Ayon kay Lacson, dapat na maberipika ang naturang dokumento dahil maari aniya itong itanggi ng BuCor Chief, at sabihing pineke lamang ang kaniyang pirma.

Kaugnay nito, umaasa naman si Lacson na mauungkat at makapag-papaliwanag si Faeldon hinggil sa naturang dokumento sa isasagawang pagdinig ng Senado sa Lunes.

Tapos ngayon may latest development kasi may nilabas na primadong release ni Sanchez, ang nakapirma mismong si Nicanor Faeldon pero gusto nating malaman dahil easily pwede niyang sabihin na na-forge yung kanyang signature at meron parang mga specimen signature na lumabas na parang may pagkakaiba sa pirma o signature ni Faeldon. Ang tanong hindi ba dapat yung mga tauhan ang nagi-implement ng order ng head ng agency ng office, pamilyar ka dapat sa signature ng boss mo, pwedeng lumusot pero napaka- tenuous, napaka-lousy nang lusot na lalabas eh,” ani Lacson.